Heto na naman.

Heto na naman ako.

Paulit ulit tinatanong ng sariling isip.

Hanggang kelan?

Bakit Ganun?

--

Lulan ng iba, hanggang kelan mo isasarili ang tatlong salita. Ang sabi ko'y 'kapag naramdaman ko na sya ulit', Ngunit, bakit ganun? Kung kailan ko binitawan at ninamnam pa hanggang ngayon ay tsaka naman unti unting lumalayo.

Heto na nga ba ang kinakatakot ko. Isa sa mga kahinaan na kay hirap naman aminin sa lahat.

May mga ganitong klase nga ba ng tao?

Sabagay, magtataka pa ba ako kung ako mismo'y ginawa ko din dati.

Hanep diba? Ibang klase. Nagtatanong ako sa sarili ko ngunit alam ko din naman na isa ko'ng hindi naging magandang ehemplo ng nakaraan.

Marahil ito nga siguro ang gulong ng buhay.

May mga bagay na hindi sa lahat ay swerte,

Laging may kapalit.

Pero, HANGGANG KELAN?

Napapagod na kasi ako.

At habang papatagalin pa alam ko;ng sasaihin ko din na PAGOD NA KO.

Ang lagi ko na lamang tinatatak sa isip ko'y 'Alam naman kung san ako hahagilapin pero sana ay hindi pa huli ang lahat'

Malapit na ko sumuko..

Nararamdaman ko.

Unti unti na ko'ng nasasanay ulit.

Nasasanay muli mag isa at makisalamuha na lamang sa nakakarami ng maiwasan ang lungkot at lumbay.

Hindi lahat ng akala ko ay madali.

Eto'ng sugal na ito ang hirap na hirap ako kahit TIWALA at KOMUNIKASYON lamang ang solusyon.

Papaano? Kung ako lang naman siguro ang may gusto.

Ang nais ko lang sana kung ikaw ay tuluyan ng lalayo..

Sabihin mo sa akin lahat ng iyong saloobin gayunman sa akin.

Huwag mo ko pigilan.

Napakadami ko na kasing dinadala kaya nais ko din naman iyon bitawan.

Sana'y hayaan mo din ako kung ano man ang aking sabihin sapagkat iyon ang laman ng puso't isipan ko ng sila'y maging payapa.

Nakakatawa lang.

Ang sabi ko dati'y isasarado ko na ang libro para sa ating dalawa ngunit heto padin ako.

Gumagawa ng panibagong yugto..

kahit heto na naman ang sakit.

Tila ka epidemya na wala ng lunas kundi namnamin ang sakit.

Comments

Popular Posts