Dati

May mga bagay na akala natin permanente na.

Hindi sapat ang mga salita kung di naman maramdaman.

May mga bagay na kung dati rati'y prayoridad ka ngunit ngayon ay hindi na.

Nagbago na.

Ang hirap.

Kung dati'y ako ay nasa dalampasigan kasama ka.
Ngayon ay nasa karagatan na.

Inanod ang sarili at ngayon ay patuloy na nalulunod..

.. kasama ang pag-asa ng kahapon.

MAG-ISA.

Pinipilit makaahon ngunit nakaligtaan ko ata'ng ako'y di sanay lumangoy pabalik mula sa ilalim sa kadahilanang buong buhay ko'y nasanay na palaging nasa ibabaw,

Ang nais ko lamang ay sagipin mo ako.

katulad ng dati twing nangangailangan ng tulong mo lamang.

Nagaantay kasama ang tanong na 'Nasan Ka Na?'

Ngunit tila atang pila ito ng LRT sa umaga't gabi.

Kay hirap sumingit.

Gawan ko man ng paraan ay di maari.

Sapagkat ikaw mismo. Ramdam ko.

Pilitin mo man itanggi ay nababasa padin ang di ibig ipahiwatig.

MASAKIT.

Lalo na kung para sa akin ay nag-iisa na lamang ako sa sitwasyon na ito at walang tanging magawa kundi ang maghintay at isantabi ang pait na nararamdaman.

Higit sa lahat..

Isinasantabi na lamang sa kasuluksulukan ng isip na malapit ng matapos sapagkat ramdamko na ang pagtatapos ng mainit na klima at mapapalitan na ng tag lamig.

Isa lamang ang aking nais sa sistema na ito.

Ang masulyapan ka kahit minsan at makausap ka.

Ngunit tila siguro'y binibili na ng ginto ang iyong pasya at oras.

Hindi tulad ng dati'y walang pasubali.

Hindi na..

tulad ng dati.

Comments

Popular Posts