Not so Welcome Back Feelings..

Di ko na kaya ikimkim to.. sa isang trusted friend ko palang nasabe to na mejo nakaluwag sa pabugso bugso kong emosyon.. (HUEHUE DRAMA) hehe. Ewan ko napadalas lang talaga lately napansin ko.

Sa naalala ko huling usap namin ng bespren nya.. tinanong ako, what if bumalik sya ano gagawin mo? laging lumalabas sa bibig ko, di ko alam depende siguro kung mag effort ulit? or baka hindi nalnag siguro kase wala naman na ko nararamdaman eh.. di ko na maramdaman yung alam mo yun kilig.

Pero ngayon parang kinain ko ata lahat ng sinabe ko.. busog na quota pa sa emosyon langya! Napaka unfair minsan ng buhay. Lagi nalang ako sinusubok sa emosyon ko. Naiinis na ko sa sarili ko. Since nakaramdam ako ng napakasaklap na heartbreak di na ko marunong magtago ng feelings.. naging maiyakin na ko. Puchanggala!

Una, iniinsist ko pa sa sarili ko na.. duhhh! natural lang yan andami mo na naging ex na naging bespren mo pa nga di ba.. pero.. alam ko na sa sarili ko na may mali na naman ng maramdaman ko yung excitement na naman sakanya evey time na magkausap kame.. humingi ako ng mga sign na maybe he`s still inlove with me pero bigo ako sa mga sign na halos sampalin nalang ako sa katotohanan na HEY MOVE ON BTCH CANT YOU SEE HE DOESN'T CARE TO YOU ANYMORE.. kung yung request ko nga na ihatid ako kahit sa babaan lang samin(w/c is sinusubukan ko lang naman talaga sya, malaks na loob ko ngayon umuwi anytime) bokya na ko eh.. issuggest pa nya na magtaxi nalang ako eh alam naman nya nangyare sakin na may trauma na ko.. napa facepalm nalang ako sa loob loob ko. Ano ba naman yung ihatid ka lang? well di ka nga na pala importante kaibigan ka nalang bahala ka na sa buhay mo. Wala. Hopeless. Tanga. Matauhan na. Wag ka na sumugal ulit. Di ka lang tanga BOBO ka pa pag humingi ka pa ng sign. Kaw din parang pinatay mo na naman sarili mo sa katangahan mong bigtime! Oh ano ka ngayon. Yan nalang nasasabi ko sa sarili ko that night.

Last Night, napagtanto ko na di naman talaga ako nakapag move on.. napahinga lang ako kase kumbaga may nag sub lang. After ng almost every wk kaming nagkikita or should I say na nagkakasama sa mga event na not so planned kasi naiinvite lang din kame lately. Eh ako naman eh very friendly madalang lang talaga sa minsan ako tumanggi.

Kaya kasalanan ko din to, kung di lang talaga ko masyadong friendly.. kung nakinig lang ako sa iba kong tropa na di na talaga dapat kinakaibigan ang ex lalo na kung yung ex na yun eh may napakalaking impact sainyo. May ine-explain sila sakin pero ang pagkakaintindi ko TRAGIC CHUCHU, kung san paulit ulit lang na cycle. Mauuwi lang talaga sa tragic. So ako eto ngayon parusa na naman sa sarili. Kaya ko naman umamin na may feelings pa pero nakakatakot ng sumugal ulit.

Lalo na ng may makita ko sa FB Post w/c is mukang nagkabalikan na naman sila.. minsan naiisip ko ganun ba ko kahirap balikan bat sakin di nya nagawa yun kung tutuusin sya may kasalanan ng lahat. Bat yung grl na yun ano meron bat parang may ibang treatment sya na di nya sakin ginawa dahil ba yun kase pinakita ko sakanya masyado na kaya ko/kakayanin ko lahat? shz. Minsan naasar ako sa sarili ko sa pagiging dependent/manhidmanhidan pag may karelasyon ako. Eto napapala ko. Di ko nabibigyan ng way yung  iba sa effort nila at di ako nagiging showy pag na a-appreciate ko.

Hayy.. kelan!? WHEN IS THE RIGHT TIME!? -_- jirapey na jirapey na ko tew! :3 lagi ko nalang kalaban emosyon ko. Kelan ba ko magiging masaya ulit na may karelasyon ako? Simple lang naman gusto ko.. PERFECTLY IMPERFECT RELATIONSHIP. Pero kung di ko pa talaga right time okay fine. I can really wait. Pero sana naman lubayan na ko ng nyetang feelings na to. Mali na at the 1st place palang wala na ko kumbaga bokya na sakanya kaibigan nalang talaga turing sakin.. Oh please, I cant wait na mawala na ng lubayan na ko ng punyetang emosyon na to..

Juice Colored.. eto na ba parusa mo sakin sa kaka manipula ko ng mga  past relationship ko? :( enseklep nemern eh. Sya na ba yung karma ko? lengye eh.. alam mo naman God ibig ko sabihin kung bakit sya pa dibe -_- hayy.. yoko nalang magsalita pekengteyp.

Kung pwede lang na parang memory card lang na pwede iformat lahat lahat. Tss.

>3<

Comments

Popular Posts