I just REALIZED SOMETHING..
Kanina.. after practice.. pauwi na kame.. andami kong nakita.. habang dinadama ko yung simoy ng hangin bigla ko may narealize.. bigla ko napaisip.. sabay nalungkot.. NG SOBRA. Kaya balik muna ko ngayon dito kase masakit talaga pala lalo na pag mag-isa ka nalang. Sa totoo lang naiiyak ako eh. Kaya Sigurado mamaya babagsak na to.. Almost 2yrs ng huli kong maramdaman to.
Martir. Masokista. Tanga. Manhid. Denial. Ma-Pride. Kimkimera.
OO AKO YAN. AMINADO NA KO NGAYON..
KASE may na-realize ako.
MASAKIT pero sa sarili ko lang inaamin yan madalas, hindi sa ibang tao.. KAHIT kaibigan ko pa.
UNA, andyan na hinahabol habol pa kahit mukha ng tanga PERO binalewala ko.
- Bakit? - kase yung TOTOO natatakot na ko.. SIMULA nung nakaramdam ako ng totoong matinding pagka broken heart (I mean I thought sa movies lang nangyayare pero sa totoong buhay din pala) halos lahat ng kaibigan ko alam nangyare sakin EXCEPT MY FAMILY.. ayoko makita nila kong ganun eh.. kase una sa lahat sanay silang lagi akong matapang.. biruin mo yun nakahanap ako ng magpapaiyak sakin ng sobra.. yung akala ko na till the end na relasyon namin naging sad ending di man lang kahit papano sa maayos na dahilan(sino bang niloko ko eh halos naman ng break-up hindi talaga maganda yung reasons kaya ganun)
nag si-sink in na naman lahat sakin. ANO BA!? OKAY NA BA TALAGA KO? Nyemas naman :( buti pa yung ex ko sa last serious relationship mukang patay na patay sakanya GF nya ngayon eh.. ayaw na nga sya pakawalan nag break na sila pero binalikan pa kayafor sure fall na din dun yun. - Pero - what if? ganun din ginawa ko nun? sabe nila sa love daw walang tama at mali (pero bakit kukunsintihin mo ang alam mo ng mali?) kung nagawa nga nya yung pinaka main reason ko imposibleng di nya magawa ulit yun. Walang tama at mali? so di nya ko ganun ka-Love? kase tinama nya lahat ng mali sakin? ahhh ewaaaan!
PANGALAWA, sa sobrang tumaas expectation ko BINALEWALA ko.
- Bakit? - naging kampante na ko.. TANGA nga di ba!? pero dati ewan ko baaa!
PANGATLO, kung kelan gusto mo na talaga sya as in tsaka naman AYAW NA NYA.
eto ang masakit talaga.. KAHIT na nagkakaintindihan naman na kame sa ganung set-up na fall nga ako.. pero di naging kami.. pero nasaktan ako. A LIL BIT. OO TOTOO yan.
PANGAPAT, e bakit ganito ka LONELY kahit di naman ganun kaLOVE. MASAYA LANG.?
I admit na sa lahat ng lalake si M.E.T.B lang talaga yung sobra at higit sa lahat. Ang naiisip ko lang na sagot sa tanong ko ngayon. Kase siguro feeling ko ang lonely lonely ko na.. FEELING KO.. wala talagang makakaintindi sakin kahit anong pilit pa nila intindihin ako. Kaya pag may nagpaparamdam nirereject ko na kagad kase alam ko kung san din mauuwi.. PINAPANGUNAHAN KO NA KAGAD.
PANGLIMA, kelan ba matatapos to talaga? makakahanap pa ba ko? O frvr NGANGA nalang? O HULI NA BA TALAGA ANG LAHAT? Ako ba talaga Problema O....?
Di ko alam. Ang GULO KO. Hindi naman sa sinisisi ko yung ex ko pero siguro dun din ang punta eh kaya ganito ako ngayon. PERO sabihin natin na OO PERO DI TOTALLY kase siguro ayoko na din maulit natakot na ko maging matapang pagdating sa love love na yan :) AHHH EWAAAAN! Nakakagulo lang ng UTAK! Kelan ba matitigil!?
Yung tinutuloy ko ngayon talaga dito.. yung lalaking nakilala ko lang nung College Week last year. Crush sya ng friend ko actually kaya deadma lang ako sakanya. Yep. He is a basketball player. Ano unang pumasok sa isip ko? Imposibleng hindi babaero. Pero medyo ma effort naman nung time na dumating sa nagkaligawan. Oo dumating sa point na yun pero di naging kami. Mejo nagpromise pa kase ako sa sarili ko nun na gusto ko ulit ng seryosong relasyon kaso.. may hindi ako nakita sakanya na gusto kong gawin nya. Kaya ayun wala. Lumipas yung mga araw na nawala na. Alam ko ayaw na. Ayaw ko na din naman mejo naiirita na rin kase ko.. ending naman gang ngayon puro flingmates lol PERO.. habang nagkaron ulit ng closure parang bumaligtad lahat. Ayoko pa aminin sa sarili ko noon. Kaso habang tumatagal andun na yun yung time na gusto ko sya kasama lalo na pag may free time ako. Ako na minsan nangungulit na punta sya dito doon. Andun naman sya. Pero last few months lang naamin ko din sa sarili ko na SYETE YARI GUSTO KO NA ATA SYA. Kaso may konsensya ko na SIGURADO PA BA KO? minsan kase syempre mejo chismosa babae palabasa ng mga comment sa status may mga nakikita ko na di ko alam kung biruan o totoo magulo lang. Ayoko naman mag feeling gf tas tatanungin sya?(tsaka kahit naman sa mga naging bf ko di ko ginawa yun) pumapasok na naman sa isip ko na MALAMANG BASKETBALL PLAYER EH NAGTAKA KA PA.. pero ngayon buo na desisyon ko. LAST na yung kanina. Kanina na pinanood sa opening ng College Week. Tinex sya. Natitigan ko naman ng matagal. OKAY NA YUN. Di na ko makikipag communicate. Kung sya man mag initiate isang tanong isang sagot nalang talaga.. Tigil ko na to lahat. Corny ko na eh. Di nakakatuwa. Nalulugkot lang ako. Nagpapaepekto lang ako.
Besides, marami akong gusto ngayon ma achieve. Mag fofocus nalang muna siguro ako dun.
Leshe! para naman naging kami makaasta ko ng ganito :3
Bye na nga! Yoko na. Nakakainis lang napaka weird naging ganito na naman. Tsk!
Bwisit na pag-ibig yan. Quota na ko sa iyak eh. Tama naman na muna. Wrong Timing eh! SOBRA.
Comments
Post a Comment